Today's Musings
Wala akong balak mag-post pero...may naisip ako kanina sa FX nung papunta ako rito sa office.
Naiinis akong minsan sa sarili ko. Gusto kong magpakaperpekto, pero hindi ko magawa.
Minsan, iniisip ko, "bakit hindi ako maging kasingbait ni ganito, ni ganyan? bakit hindi ako maging kasingganda ni
ganun?". Sunod kong iisiping, "Hindi lahat ng ginawa ng Diyos, pantay-pantay."
Madali para sa atin ang sabihing, "Tao ako. Walang taong perpektong ginawa ang Diyos."
Dahil mas madali para sa atin ang isisi sa iba ang pagkakamali natin.
Mas madali para sa ating pumuna ng dumi sa mukha ng iba. Ang makakita ng pagkakamali ng iba. Pero sunod mong malalaman...ginagawa mo na rin pala ang pagkakamaling nakita mo sa kapwa mo.
Maiinis ka. Kasi alam mo sa sarili mong hindi mo ginawa. Alam mo sa sarili mong tama. Pero hindi mo siguro naisip na kung papano mong napuna ang dumi sa mukha ng kapwa mo...ganun din nyang nakikita ang mga kamalian mo.
Oo, walang taong perpektong nagawa ang Diyos. Hindi madali. Pero alam natin kung papano magiging "halos"
perpekto.
Hindi ako nanenermon. Katulad mo rin akong marumi.
Paalaala ito sa sarili nating mali ang mali, at ang tama ay tama.
Hindi ko sinasama si God, pero I bothered somebody pa para hanapin ito for me:
Matthew 7:1 "Do not judge, or you too will be judge. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will measured to you".
Isang magandang araw sa lahat.